
"Chef Boy Logro,Nandidiri sa Kanyang Luto"Isa sa mga pambato ng GMA kapuso network ay ang "Idol sa Kusina"chief Boy Logro na laging trending ngayon sa twitter kung saan ay naguest si Julie Anne San Jose,most like ang lahat ng niluto nilang mga recipes kaya tuwang tuwa ang magaling na cook sa bagong pangyayari sa buhay niyang nakakaloka,minsan ay nakorner ng aking espiya ang pinagmamalaki ng kapuso network na kumakain sa isang tsipipay na karenderya sa kanto mismo ng nasabing network as in waley pakialam kung sino man ang makakita sa kanyang paglamon ng mga putaheng ayon sa kanya ay da best na in terms of quality at affordability.Sa kanyang propesyon bilang isang five star chief ay halos natikman na lahat ang mga putahe sa buong mundo lalo na naging head of chief cook siya sa hari ng Brunei,kwento pa niya natikman na mismo ni Princess Diana ang kanyang masarap na recipe at ang paboritong dish ni President Bill Clinton na niluto niya ay ang pinakbet na ayon mismo sa predidente ng Amerika ay the best veggie ever tasted.well balik tayo dito sa karenderyang walang name na kung saan ay naubos na ang lahat na inorder ni chief Boy Logro at agad tinanong ng aking espiyang lakwatsera kung bakit ayaw niyang kainin ang sariling luto?isang malutong na halakhak ang sagot ng master chief"Nandidiri na ako sa aking mga luto,nakakawalang gana pag ikaw mismo ang kakain sa sariling putahe kaya mas mabuti pang maghanap nalang ako ng ibang luto lalo na yung walang signboard na turo-turo sa ganitong paraan ay nakakahanap ako ng inspirasyon at satisfaction para mai-apply ko sa susunod kong gagawin na recipe sa aking programa"ayon mismo sa nag-iisang idol sa kusina.
by: Glenn Revilla
6/Mar/14


