top of page
By: Glenn Revilla 26/Feb/14

"Regine,Walang Pambili ng Gatas?"Sa katatapos lang na 9th anniversary concert ni Jonalyn Viray sa Music Museum ay naging patok sa audience ang kanyang pagka-kikay,halos di na matapos tapos ang kanyang spiel sa pagpapatawa sa audience kaya naloka pati ang Pinoy Pop superstar na si Jonalyn Viray ng walang kahiya hiyang humingi ang Asia's songbird ng pambili ng gatas sa kanyang nag-iisang anak na si Nate.Sa sobrang convincing ng diva ay napatayo ang kuya Germs at inabutan ng isang libong piso ang seksing diva at sabay nilagay sa kanyang boobs dahil wala daw dalang pitaka.Halos di magkamayaw ang mga audience sa natural na pagpapatawa ni Regine take note humingi pa siya ng extra 1 kiaw ulit sa mastershowman dahil kulang pa daw yun pati si Jonalyn binigyan na din ng nag-iisang German Moreno.In fairness sa concert ni Jonalyn ay nadeliver naman ang lahat ng mga nagbibiritang mga awitin nina Beyonce,Mariah Carey at halos lahat enjoy na enjoy sa kanyang anniversary concert.

Regine Velasquez - Walang pang bili ng gatas?

  
bottom of page